Grabe ang experience ko sa higanteng bagyong ito!... When I went to work on friday night (i'm on night shift from 9pm til 6am) umuulan na pero hindi nman masyadong malakas, the next day at around 6.30 am pag-out ko ng opis hindi rin umuulan kaya my officemates decided na we'll go together at SM North for our Annual Physical Exam. We finished APE at around 10am sobrang lakas na ng hangin at ulan at baha na sa labas ng SM North, so pinasakay muna ako ng mga kasama ko papuntang MRT kasi I'm not familiar sa place since lahat naman sila eh taga north area. Nung nasa MRT nako along Santolan Station nakita ko na baha sa Edsa at stacked at mga sasakyan and nagttaka nako kasi 1st time kong makitang baha sa Edsa but after I got off at Ayala Station and still not fully aware of what's really happening, I went to SM Makati and did some groceries, nung paglabas ko around 11am nakasara ang Glorietta kasi pinasok daw ng tubig. Mahirap kumuha ng taxi kaya naglakad ako papuntang taas ng Park Square 1 para magjeep na lang sana pauwi pero pagdating ko dun walang jeep na bmbiyahe at maraming pila ng pasahero. Dun ko lang naunawaan kung ano'ng nangyyari, baha na sa Pasay Road esp. Makati Cinema Square/Washington at hindi na passeable kasi til dibdib na daw. I don't know what to do or where to pass and I don't have cellphone with me, papasundo sana ako sa b.f. ko. But kung baha na eh I have no choice kundi maghintay na humupa ang ulan at baha. Time passed, I was there at 11.30am pero 3pm na ng magdecide ang isang driver na ihatid ang mga pasahero and we'll take the route of edsa and right turn at evangelista (thanks God! kasi evangelista ang place ko) yun nga lang mejo swapang kasi siningil kami ng 10pesos each instead of the usual 7pesos, marami nagreklamo pero syempre pare pareho kami gustong makauwi kaya pumyag na rin lahat.
3pm umalis ang jeep sa glorietta, nakita ko na maraming tao ang nagllakad na lang kahit sa gitna ng highway(overpass ng magallanes) kasi baha sa babang part ng magallanes, halos inabot kami ng 2 hours eh sobrang lapit lang naman ng evangelista. Nung paliko n sa kanto ng evangelista pinara kami kasi hindi na raw mkkdaan dahil hanggang bewang na ang tubig sa unahan at ttirik na daw talaga ang mga sasakyan pag dumaan pa dun. No choice again kun bumaba at maghanap ng way kung paano makakauwi, that's around 5pm na and I'm worried kasi ayaw kong maabutan ng gabi sa daan at isa pa mabigat ang dala kong 2 plastic ng grocery. Lakasan n lang ng loob kaya lumusong n talaga ako ng hanggang bewang na baha kasi pang 5th street lang naman bahay ko, Grabe! habang nakalusong ako sa baha pakiramdam ko ang dumi2x ko may nkkita akong ipis at tae na lmlutang! Yucks! pagdating ko sa haws nagulat ako kasi hanggang tuhod ang baha sa loob ng haws and 1st time kami binaha. Buti naitaas na ng kapatid ko ang ref, computer, dvd player at mga sapatos. Pero nabasa ang bed ko (sa baba kasi ako natulog nung friday kasi mainit sa taas) pati mga unan at kumot at pati sofa namin nabasa din at lahat ng dvd's at ang ilang sapatos din n nasa baba. Nagising kasi kpatid ko 10am at pagbaba nila (2nd floor kc rooms) baha na kaya hindi nila naagapan ang ibang gamit agad na mababa lang lagyan.
Sunday, September 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment